Pangungunahan
ng mga batikang mandudulang sina Bonifacio Ilagan, Al Santos, Manuel
Pambid, Glecy Atienza, at Reuel Molina Aguila ang intesibong pagsasanay
sa 10 nagsisimulang mandudula mula sa Metro Manila, simula sa ika-21 ng
Agosto sa UP, Diliman.
Tinaguriang
Pandayan sa Dula o Pasadula, ang napiling 10 kalahok sa tatlong buwang
palihan ay sina: Erick Aguilar (UP-Diliman), Ma. Stephanie Joy Andaya, (UP-Diliman),Tyron Judes D.
Casumpang, Noel Galon de Leon (UP-Diliman), Arvin Tiong Ello (DLSU), Mari Joyce Villanueva Laspuña (UE-Caloocan), Cara Cristina B. Red, Joshua Lim So, (DLSU) Ted Jan C. Rubio (UP-Diliman), at John Romeo L. Venturero (UP-Diliman).
Ang palihan ay nahahati sa tatlong yugto: serye ng mga lecture, one-on-one mentoring, at pagtatanghal ng nasulat na dula.
Itinataguyod
ang Pasadula ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, at ng National Council for Culture
and the Arts.
Tumatayong
Workshop Director sina Jimmuel Naval, tagapangulo ng DFPP, at si Reuel
Aguila. Si Glecy Atienza ang namumuno sa National Committee on Dramatic
Arts ng NCCA.
No comments:
Post a Comment
Thanks for dropping by! Please follow me on all my social media channels to get updates:
Youtube: http://youtube.com/Pintura14
Websites: http://vintersections.com | http://imaginegreen.org
Facebook Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green
Twitter: http://twitter.com/ronivalle
Instagram: http://instagram.com/ronivalle
Pinterest: http://pinterest.com/ronivalle