[Paalala: Isusunod ang ilang larawang kinuha sa mga dulang nabanggit.]
Itinanghal ang ika-anim na taon ng Virgin Labfest ng Writer's Bloc at Tanghalang Pilipino noong Hunyo 22-Hulyo 4, 2010 sa Tanghalang Huseng Batute ng Cultural Center of the Philippines. Ito ang taunang pagdiriwang para sa teatro na nagtatanghal ng mga dulang di pa nasusubok, di pa naipalalabas at di pa rin nailalathala saan man. Samakatwid, ang Virgin Labfest ay binubuo ng mga dulang bagung-bago at sariwa sa lahat ng mambabasa at manonood na nagsimula pa noong taong 2005. Ang VLF6 ay may 5 set, na lahat ay binubuo ng 3 iisahing yugtong dula maliban sa Set-E na may dalawa lamang. Kung kaya't may 14 mga bagong dulang isinabak sa taong ito. Kasama rin dito ang "Set-F: Revisited" na binubuo ng 3 pinakamahuhusay na dulang ipinalabas noong taong 2009. Subalit di ko na isinama ang Set-F sa rebyu na ito.
Nais ko munang bigyang-pugay ang mga dulang kumiliti sa aking kamalayan at imahinasyon, may makabuluhang kabatiran, pinalilibutan ng kariktan ang kuwento, sumuntok sa puso ang mga linya, mahusay na pagganap, may maayos at pulidong direksyon. Kung di man mabanggit ay di ito nangangahulugan ng pagtataksil sa kalidad at di pagtatago sa anino ng kagandahan. Mga ilang rikisitong pinagbatayan din para sa mahuhusay na dula: malinaw ang gusot sa kuwento, epektibong mga linya (o diyalogo), tamang paggagap sa subtext na di lahat ng bagay ay kailangang sabihin, malalim ang pag-unawa sa mga karakter, at dapat ay maisara nang husto at maayos ang kuwento hanggang katapusan.
Nilista ko na rin sa ibaba ang mga dulang may potensyal kung maisasaayos pa. At ang mga artista at palabas na aking hinangaan at ikinalugod - samakatwid ay umokupa ng numero sa hanay ng aking listahan.
(Set-A: PARIAH PARAISO)

Para lamang may pantawid ng gutom at kaunting salapi para sa mga gastusin nila ni Gilbeys (Bembol Roco), iba't ibang papel ang ginagampanan ni Brandy (Missy Maramara) kunwari sa tuwing siya'y lalabas ng bahay. Ito ang dulang "Balunbalunan, Bingi-bingihan" ni Debbie Ann Tan. Naging ritwal na rin para kay Brandy ang pagbilhan ng balunbalunan si Gilbeys dahil sa iniinda nitong sakit sa katawan, na para sa kanya ito lamang ang pansamantalang lunas. Buo at malinis ang kuwento nang pumasok ang gusot - ang pangungupahan ni Whiskey (Paul Jake Paule) sa napakakipot na barung-barong ng dalawa. Maganda ang blocking ng dula at nagamit nang husto ang lahat ng mga kagamitan sa set. Epektibo ang mga nakasalansan sa entablado. Nakaaaliw din ang mahusay na pagganap nina Maramara at Paule na nagbigay dimensyon sa kanilang karakter, bagamat may maibibigay pa si Roco sa kanyang pagganap sa entablado. Napakahusay ng wastong tiyempo ni Maramara sa masalimuot niyang papel bilang Brandy. Malinaw ang kahinaan at lakas ng 3 persona sa kuwento. Pulido ang pagkakasulat ng dula.
(Set-B: PAS DE DEUX)
May ipinababatid ang suliraning nauungkat sa ibabaw ng bubong sa gitna ng matinding bagyo't baha. Ang dulang "Ondoy" na sinulat ni Remi Karen Velasco ay may malinis na kuwento at suwabe ang daloy ng diyalogo. Dahil sa patung-patong na problema, sa bubong nagmula ang sumbatan nina Mercy (Cai Cortez) at Obet (Jojit Lorenzo) ng mga kasalanan, pagkakamali at pagkukulang, na nag-uumapaw man ay maaari ring paanurin sa baha, upang di na ito mabasa o makita, di upang limutin o lumimot kundi ang matutuhang magpatawad at pagbigyan ang sarili na tanggapin nang buong-buo ang isa't isa. Nakatulong nang husto ang tunog ng ulan, kidlat, helicopter, pagbabalita sa radyo o TV upang iparamdam sa mga manonood ang tunay na sitwasyon ng nasalanta ng kalamidad. May lalim ang pag-unawa sa kuwento dahil makapal ang naging ugnayan ng dalawang persona upang mapag-usapan at mapagtalunan ang ilang problema. May lalim at bigat ang pagsasabuhay ng karakter nina Lorenzo at Cortez sa dulang ito. Mahusay ang kemistri ng dalawa na siyang nagpatibay sa magandang daloy ng dula.
(Set C: PECADO MORTAL)
Pulido ang pagkakasulat ng dulang "Suor Clara" ni Floy Quintos dahil sa magagandang linya rito. Subalit tila may hinahanap pa ako sa kuwento na siyang magpapatibay pa sa panahong itinakda ng kuwento, ang taong 1898. Interesante ang ugnayan at nakaraan ng isang obispo (Ronan Capinding) at ng isang madre superyora (Frances Makil-Ignacio). Naibigan ko ang hinahon ng karakter ni Suor Clara at ang pagiging agresibo ngunit nagpipigil na umibig na si Salvi. Sa loob ng 20 taon, pinigil ni Salvi ang silakbo ng kanyang damdamin at pinanatiling sagrado ang napiling bokasyon. Subalit hindi naging tapat ang madre sa kanyang bokasyon dahil sa patagong pakikipagtalik sa isang lalaking maglalako lamang ng gulay at karne. Parehong interesanteng karakter. Ngunit nais ko pa ring buksan ang posibilidad sa ilang elemento ng kuwento na siyang magbibigay ng ilang pahiwatig o paglalahad sa buhay na hindi kausap o katabi ang isa't isa. Gusto ko ang twist ng kuwento na kung bakit nasa kumbento si Clara ay dahil sa gusto siyang makasama ni Salvi, hindi nga lang pinagbigkis ng matrimonyo at hindi rin sa kama. At ito ang isa sa mga itinanim na poot ni Clara kay Salvi sa pag-agaw di-umano ng kanyang kabataan. Mahusay ang pagganap nina Capinding at Ignacio.
(Set D: PINK FESTIVAL)
Nakaaaliw at nakaririmarim ang mga naging tagpo sa dulang "Carmi Martin" na sinulat ni Dennis Teodosio. May mga twist ang kuwentong pruweba ng malinis at masinop na pagkatagni-tagni ng mga pangyayari. Ang magandang tandem nina Ariel Diccion (Gabriel, bilang guro) at Paul Jake Paule (Adonis, bilang estudyanteng callboy) ay nabuo ng mahusay na pagsasabuhay ng kanilang karakter. At dahil sa tama at wastong tiyempo sa batuhan ng mga linya, naging epektibo at angat ang dulang ito. Inangkin nina Diccion at Paule ang kanilang persona, na matapos mong panoorin ang palabas ay mag-iiwan ito ng kariktan sa iyong kamalayan na naglalaman ng mga nakakatwa ngunit nakakatakot at peligroso ring mga tagpo. Naging sukdulan ng kuwento ang pagdududa ni Adonis na di siya mababayaran ni Gabriel sa napag-usapang halaga. At ang kaya lamang ibigay ni Gabriel kapalit ng panandaliang aliw ay P150. Hindi inaasahan ni Adonis na sa pag-iipon ng tapang at paghihiganti niya sa mga nanloko at nanamantala sa kanya noon ay kakaharapin pala niya ang masalimuot at di-inaasahang pagtatapos. Si Adonis pala ay magiging isang biktima lang din at daragdag sa bilang ng mga naburang pangarap.
DULANG MAY POTENSYAL:
Banggitin ko na rin ang mga dulang para sa akin ay may malaking potensyal, subalit kinapos sa ilang bagay, may mga butas na dapat punan, gusot ng kuwentong hindi malinaw na nailahad, walang kabatiran o di malinaw ito, o/at di pa buo ang paghulma ng kuwento. Kung ako ang magsasalba, nanaisin kong makita ang pagsasaayos, pagpapabuti at pagrerepaso ng mga sumusunod na dula:
(1) Isagani ni Alex Dorola Yasuda (Set-A: PARIAH PARAISO)
(2) Higit Pa Dito ni Allan Lopez (Set-B: PAS DE DEUX)
(3) Bakit Wala Nang Nagtatagpo sa Philcoa Oberpas ni Carlo Pacolor Garcia (Set-A: PARIAH PARAISO)
(4) Collector's Item ni Julienne Mendoza (Set-B: PAS DE DEUX)
(5) Package Counter ni Isa Borlaza (Set C: PECADO MORTAL)
Sa limang ito, malayong-malayo sa pinaka-problematiko ang dulang "Package Counter." Kailangang pag-isipang mabuti ang kabuuan ng kuwento.
Bukod sa mahusay na pagganap at pagsasabuhay ng kanilang karakter ay ang konsistensi ng emosyon, disposisyon at sikopisikal na aspekto ng kilos at galaw sa entablado.
AKTOR:
(1) Jojit Lorenzo - Ondoy (Set-B: PAS DE DEUX)
(2) Paul Jake Paule - Carmi Martin (Set D: PINK FESTIVAL) at Balunbalunan, Bingi-Bingihan (Set-A: PARIAH PARAISO)
(3) Ronan Capinding - Suor Clara (Set C: PECADO MORTAL)
(4) Ariel Diccion - Carmi Martin (Set D: PINK FESTIVAL)
(5) Kierwin Larena - Isagani (Set-A: PARIAH PARAISO)
(6) Lorenz Martinez - Collector's Item (Set-B: PAS DE DEUX)
(7) Abner Delina, Jr. - Huling Habilin ng Sirena (Set-D: PINK FESTIVAL)
(8) Alex Dorola Yasuda - Huling Habilin ng Sirena (Set-D: PINK FESTIVAL)
AKTRES:
(1) Missy Maramara - Balunbalunan, Bingi-Bingihan (Set-A: PARIAH PARAISO)
(2) Frances Makil-Ignacio - Suor Clara (Set C: PECADO MORTAL)
(3) Cai Cortez - Ondoy (Set-B: PAS DE DEUX)
(4) Mailes Kanapi - Higit Pa Dito (Set-B: PAS DE DEUX)
(5) Mayen Estañero - Bakit Wala Nang Nagtatagpo sa Philcoa Oberpas ni Carlo Pacolor Garcia (Set-A: PARIAH PARAISO)
DISENYO NG ENTABLADO:

Hindi man katangi-tangi o perpekto ang disensyo ng iba, binibigyan ko ng kredito ang entabladong naging epektibo at kapaki-pakinabang sa mga pangangailangan ng dula.
(1) Balunbalunan, Bingi-Bingihan - Myka Francisco (Set-A: PARIAH PARAISO)
(2) Suor Clara (Set C: PECADO MORTAL)
(3) Carmi Martin (Set D: PINK FESTIVAL)
May malaking potensyal:
- Ondoy (Set-B: PAS DE DEUX)

KUWENTO AT PAGKAKASULAT NG DULA:
(1) Remi Karen Velasco, Ondoy (Set-B: PAS DE DEUX)
(2) Debbie Ann Tan, Balunbalunan, Bingi-Bingihan (Set-A: PARIAH PARAISO)
(3) Dennis Teodosio, Carmi Martin (Set D: PINK FESTIVAL)
(4) Floy Quintos, Suor Clara (Set C: PECADO MORTAL)
KASUOTAN:
(1) Suor Clara (Set C: PECADO MORTAL)
(2) Ondoy (Set-B: PAS DE DEUX)
(3) Balunbalunan, Bingi-Bingihan (Set-A: PARIAH PARAISO)
DIREKSYON:
(1) Issa Manalo Lopez, Balunbalunan, Bingi-Bingihan (Set-A: PARIAH PARAISO)
(2) Ed Lacson, Jr., Ondoy (Set-B: PAS DE DEUX)
(3) Floy Quintos, Suor Clara (Set C: PECADO MORTAL)
(4) Paul Santiago, Carmi Martin (Set D: PINK FESTIVAL)
(5) Riki Benedicto, Bakit Wala Nang Nagtatagpo sa Philcoa Oberpas (Set-A: PARIAH PARAISO)
PINAKAMAHUSAY NA DULANG PAGTATANGHAL:
(1) Ondoy (Set-B: PAS DE DEUX)
(2) Balunbalunan, Bingi-Bingihan (Set-A: PARIAH PARAISO)
(3) Carmi Martin (Set D: PINK FESTIVAL)
(4) Suor Clara (Set C: PECADO MORTAL)
2 comments:
Hi, Arvin!
Sayang, di kami nakanood. Nagkasakit ako over the weekend. Debie Ann Tan is Alvin's cousin pala!
Hi Rina. Sayang at di ka nakanood. Sa sunod na taon na lang uli. hehe. Pinsan pala ni Alvin si Debbie? Kasama ko si Debbie sa Lit. Dept noon sa DLSU. Pareho rin kami ng course (MFA-Creative Writing) pero older batch siya.
Post a Comment
Thanks for dropping by! Hope you can follow me:
Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green
Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle