Sunday, June 1, 2025

Panawagan sa Lálahok: Gawad Rolando S. Tinio sa Pagsasalin 2025

Ang Gawad Rolando S. Tinio sa Tagasalin o Translator’s Prize ay naglalayong mabigyan ng mas malaking puwang ang pagsasalin ng mga teksto at akdang nasusulat sa iba’t ibang wika sa Pilipinas patungo sa pambansang wika. Ang pagsasalin ng mga akda ay paraan upang mas maintindihan ang mga ito at mapahalagahan ng mga mambabasang Filipino.

Para sa 2025, narito ang mga kategoryang maaaring lahukan:
- Dula;
- Epikong Bayan;
- Kalipunan ng Maikling Kuwento;
- Koleksiyon ng Dulang Ganap ang Haba;
- Malikhaing Di-Katha;
- Maikling Kuwento;
- Nobela;
- Nobelang Young Adult;
- Sanaysay; at
- Tula.

Ang petsa ng pagpapása ng lahok ay hanggang sa ika-31 ng Agosto, 2025. Ipadala ang inyong curriculum vitae, notaryadong salaysay at kopya ng inisyal na salin sa email: ipps@ncca.gov.ph o ipadala sa: 

Seksiyon ng Institusyonal na Programa at Proyekto
Sangay ng Pangangasiwa ng Programa
Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining
633 General Luna St., Intramuros, Manila 1002

Para sa mga katanungan, maaring tumawag sa bilang: 8527-2192 local 524, o makipag-ugnayan sa email: ipps@ncca.gov.ph.



Ang patnubay at mga pormularyong kinakailangan para makalahok sa timpalak ay nasa sumusunod na link:

Patnubay para sa timpalak: 

Pormularyo para sa Sinumpaang Salaysay: 

No comments:

Post a Comment

Thanks for dropping by! Hope you can follow me:

Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green

Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle