Ang Dรกnas OCD ay proyektong antolohiya ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman na pumapaksa at tumatalakay sa iba't ibang karanasan, panloob man o panlabas, ng mga indibidwal na dumaranas ng Obsessive-Compulsive Disorder (OCD). Layon ng proyektong ito ang makapagpamulat at makapagbigay kaalaman sa marami hinggil sa malawak na usapin ng OCD. Bukas sa lahat ng interesadong magsumite, lalo na mula sa mga taong dumaranas ng OCD, may kapamilya, kaibigan o kakilalang dumaranas ng OCD, at mga nasa larangan ng sikolohiya, medisina, at kalusugan.
Ang OCD ay isang karamdaman o sitwasyon ng isang taong dumaranas ng pagkakaroon ng mga ideya (obsessions) hinggil sa maraming bagay, na natutulak sa kaniya na labis-labis itong isipin (overthinking) at na gawin ito nang paulit-ulit (compulsions), na kadalasang nauuwi sa pagkabalisa. Madalas din, dahil hindi sila lubusang nauunawaan, nakararanas ng diskriminasyon at tampulan ng stigma ang mga taong may OCD.
Ilan lamang sa mga halimbawa ng OCD ay ang paulit-ulit na paghuhugas ng kamay, paggugupit ng mga kuko, pagsasaayos ng mga gamit ayon sa metikulosong paraan, pagbibilang ng sariling mga hakbang sa daang nilalakaran, pagtitiklop ng mga damit ayon sa kulay at gamit, pagtse-tsek ng mga kandado ng pinto, switch ng ilaw, at iba pang kagamitan sa bahay, pag-iwas sa pakikipagkamay sa ibang tao, matinding takot sa kontaminasyon sa dumi, virus, at mikrobyo lalo na sa panahon ng pandemya, labis na pag-aalala, labis na pag-iisip, pagkabalisa, at marami pang iba, na sadyang nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao (panloob) at maging sa mga taong nakasasalamuha niya (panlabas).
Panuntunan sa Pagsusumite ng Malikhaing Akda:
1. Maaaring magsumite ng alinman sa mga sumusunod na anyo:
• Tula (1-3)
• Dagli (1-3)
• Maikling Kuwento (10-15 pahina)
• Personal na Sanaysay (10-15 pahina)
• Maigsing Dula (10-15 pahina)
2. Mga kahilingan sa manuskrito:
• Nakasulat sa Word file format: .doc; 12 pts Arial o Times New Roman; double spaced (liban sa tula); at US Letter (8.5 x 11).
• Nakasulat sa wikang Filipino o iba pang wika sa Pilipinas, na may kasamang salin sa Filipino.
• Hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon o antolohiya, maging digital man o print.
• Maikling tala sa sarili (3-5 pangungusap).
3. Ipadala ang mga kontribusyon sa ocd.antolohiya@gmail.com o gamitin ang aming submission portal sa
Ang huling araw ng pagsusumite ay sa ABRIL 30, 2021.
No comments:
Post a Comment
Thanks for dropping by! Hope you can follow me:
Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green
Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle