Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle A. Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 pรกra sa kaniyang tulang: “Asรญn sa Hasang ng Lupร .” Makatatanggap siyรก ng PHP30,000.00 (net), tropeo, at medalya.
Nagwagi naman si Joseph E. Cemena ng Ikalawang Gantimpala pรกra sa kaniyang tulang “Lubid ng mga Tinig.”
Nanalo rin si Romeo P. Peรฑa sa kaniyang tulang “Mina Extraer” ng Ikatlong Gantimpala. Makatatanggap siyรก ng PHP15,000.00 (net) at plake.
Itinanghal bilang Mga Karangalang Banggit sina Emersan D. Baldemor sa kaniyang tulang “Panagdait Field Theory” at Mark Anthony S. Angeles sa kaniyang tulang “Mga รrtepรกkto ng Naritรณ at Ngayรณn.”
Si Eugene Geibrielle A. Nacino ay kasalukuyang nag-aaral sa Saint Louis University na may kursong Bachelor of Science in Medical Laboratory Science. Nagsilbi siyang Punong Patnugot ng “Ang Banaag” na opisyal na lathalain ng Bangui National High School. Nakapaglathala ng tatlong (3) akdang pampanitikan sa Bannawag Magazine at nagwagi sa iba’t ibang timpalak sa pagsulat ng tula gaya ng Mga Tala at Tula at Maestra Mercedes Pundador Awards.
Ang Talaang Ginto: Makata ng Taรณn ay isang patimpalak sa pagsรบlat ng tulรข na itinaguyod ng KWF na naglalayong pasiglahรญn at pataasรญn ang urรฌ ng panulaang Filipino sa pamamagitan ng pagkilรกla sa mga batikan at baguhang talino at tinig sa sining ng tulรข.
Ang KWF Araw ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 29 Abril 2026.
No comments:
Post a Comment
Thanks for dropping by! Hope you can follow me:
Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green
Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle