Ipagkakaloob kina Lexter P. Jackson (Kategoryang Sekundarya) at Alex Handig (Kategoryang Tersiyarya) ang Unang Gantimpala sa kani-kanilang kategorya ng KWF Tulang Senyas 2026. Makatatanggap silรก ng PHP10,000 (net), plake, at medalya.
Gagawaran si Lexter P. Jackson para sa kaniyang tulang senyas na “Pitong Araw ng Paglikha” at gagawaran naman si Alex Handig para sa kaniyang tulang senyas na “Punรฒ ng Bรบhay.”
Nanalo rin si June Lorinser M. Mojica ng Ikalawang Gantimpala (Kategoryang Tersiyarya) sa kaniyang tulang senyas na “Ang Nakatagong Pagdurusa ng Pagkawala ng Pandinig.”
Nagwagi naman ng Ikatlong Gantimpala (Kategoryang Tersiyarya) sa kaniyang tulang senyas na “Lakbay ng Lahi” si Mharck Daniel C. Carreon.
Si Lexter P. Jackson ay kasalukuyang nasa Junior High School sa Benilde Deaf School, De La Salle-College of Saint Benilde kung saan siya ay nagwagi sa timpalak sa pagtula. Ilan sa kaniyang mga talento ay pagkuha ng retrato at pag-aayos ng mga video. Hilig niya ang paglalaro ng chess, badminton, volleyball, at table tennis.
Si Alex Handig ay kasalukuyang nag-aaral sa De La Salle-College of Saint Benilde na may kursong Bachelor in Applied Deaf Students with Specialization in Visual Multimedia Arts. Siya rin ay isang aktibong Deaf student-leader advocate. Ilan sa kaniyang mga kakayahan ay paggamit ng Photoshop, Adobe illustrator, Canva, at pagkuha ng retrato. Siya rin ay isang FSL signer.
Ang Timpalak sa Tulang Senyas ay kauna-unahang patimpalak sa pagtula sa pasenyas na paraan. Itinaguyod ito ng KWF na naglalayong palaganapin ang FSL bilang tunay na wika, pagsulong ng Filipino Deaf culture sa pamamagitan ng panitikan, kilalanin at bigyang-puwang ang di-matatawarang kakayahan at husay ng mga kababayang Deaf, at makapag-ambag sila sa panulaang Filipino ng kanilang obra sa pamamagitan ng pasenyas na pagtula.
Ang KWF Araw ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 29 Abril 2026.
No comments:
Post a Comment
Thanks for dropping by! Hope you can follow me:
Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green
Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle