Saturday, April 18, 2026

š†š”šŒšˆš‹ š…šˆš‹šˆššˆšš€š’, gššš ššš°ššš«ššš§ š§š  šŠš–š… šƒššš§š ššš„ š§š  šššš§š¢š­š¢š¤ššš§ 2026


Gagawaran ang GUMIL Filipinas (Gunglo Dagiti Mannurat Nga Ilokano iti Filipinas ken Ballasiw-Taaw) para sa Kategoryang Institusyon/Samahan ng KWF Dangal ng Panitikan 2026 ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2026.

Ang GUMIL Filipinas (Gunglo Dagiti Mannurat Nga Ilokano iti Filipinas ken Ballasiw-Taaw) ay isa sa pinakaaktibong grupo ng mga rehiyonal na manunulat sa Pilipinas. Mayroon itong daan-daang aktibong manunulat-miyembro sa iba’t ibang probinsiya at munisipyo gayundin sa ibang bansa gaya sa mainland U.S. at Hawaii, California, Hongkong, Italy at Greece. 

Isa sa mga pangunahing layunin ng GUMIL Filipinas ay pagyamanin ang panitikang Ilokano at pamana ng kultura sa pamamagitan ng paglalathala ng mga aklat ng tula, maikling kuwento, sanaysay, nobela, mga salaysay ng kasaysayan, pananaliksik at kritikal na pag-aaral, at iba pang mga sulatin. Sila rin ay nagbibigay ng suporta sa mga Ilokanong manunulat para sa lalo pang pagpapabuti ng kasanayan sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan, pangkasaysayan, at pampananaliksik.

Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang pinakamataas na pagkilala sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nito ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at iba pang katutubong wika. Ang gagawaran ay makatatanggap ng busto ni Balagtas, plake, at medalya.

Ang KWF Araw ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 29 Abril 2026.

No comments:

Post a Comment

Thanks for dropping by! Hope you can follow me:

Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green

Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle